-- Advertisements --

Nagpasalamat si Star for All Seasons Vilma Santos sa mga nagsasabi na dapat na siyang maging national artist. Pero naniniwala ang batikang aktres na mangyayari lang daw ito kung nakatadhana ito para sa kaniya. 

Aniya, iba-iba raw kasi ang panlasa at preference ng mga tao pagdating sa arts. Kaya maaaring magaling daw siya para sa iba ngunit mayroon din daw na hindi nagagalingan sa kaniya. 

Ibinahagi rin ng aktres sa naganap na screening at talkback ng classic film niyang “Anak” na wala siyang planong magtayo ng “Vilma Santos School of Acting.” 

NGunit hindi naman daw niya tatanggihan ang mga manghihingi ng tulong sa kaniya tungkol sa pag-arte. Maaari daw siyang mag-guide pero ayaw niya magmarunong dahil naniniwala ito na kahit marami na siyang nakuhang best actress award, ay hindi ito nangangahulugan na siya na ang pinakamagaling. 

Matatandaan na ang kasabayan ni Vilma Santos na si Nora Aunor ay kinilala na bilang National Artist for Film and Broadcast Arts noong 2022.