-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN- Isinara ang Villa Verde Trail sa bayan ng San Nicolas, dulot ng landslide at malakas na hangin.

Ayon kay Shalom Balolong, Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer sa bayan ng San Nicolas, bandang 7 ng umaga ay naglabas na sila ng abiso sa mga motorista na bawal munang dumaan sa Villa Verde Trail sa naturang bayan dahil isinara ito dala ng landslide at lakas ng hangin.

Aniya, dulot ito ng tubig na nanggaling sa mataas na bahagi ng bundok na kung saan ay bumababa patungo sa naturang bayan na siyang dahilan ng pagka-landslide.

Samantala, sa isinagawang monitoring sa river system gaya ng Ambayoan river, Agno River, at Bangin river, nakitang umangat na ang lebel ng tubig ngunit saad nito na walang dapat ipag-alala ang mga residente dahil wala pa sa nakakaalarman level.

Kaugnay nito, sinabi niyang may mga sangang naputol at bumagsak ngunit laking paasasalamat nito na wala namang naitalang danyos.

Paalala naman ni Balolong, magtungo lamang sa kanilang website upang maging updated sa mga posibleng mangyari.