May bahagya umanong pagluluwag ang gobyerno ng Vietnam sa mga atletang sasabak sa 31st Southeast Asian Games na magsisimula na sa May 12.
Tinawag ni Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino na merong “unique” na sistema ang Vietnam sa kanilang hosting ng SEA Games.
Matapos ang ginanap na virtual SEA Games Federation meeting iniulat ng Vietnam na umaabot sa 256 events for men at 242 for women na may kabuuang 498 events sa 40 sports ang isasagawa.
Kabilang aniya sa ilang patakaran ay papayagan ng mga organizers na bumisita ang mga atleta at coaches sa mga restaurants, bars, mga shopping centers at tourists spots na nasa kanilang area.
Hindi na rin daw hahanapin sa mga atleta ang proof of vaccination laban sa COVID-19.
Maari rin daw magbago ng atleta ang isang bansa isang linggo bago ang laro kung sakaling nagpositibo sa COVID-19, liban lamang sa football na meron namang mga extra players.
Papayagan din daw ang mga fans na personal na manood kung sakaling mababa ang kaso ng COVID sa isang lugar.
Ang Pilipinas ay nakatakdang magpadala ng 584 athletes sa 39 sports kung saan ang bansa ang defending overall champion.
Sa Mayo 10, aalis ang malaking bulto ng mga atleta patungong Hanoi na susundan ng mga batches ng mga athletes.