Kinumpirma ng mga imbestigador na nakunan ng video ang dalawang motorcyle riders na siyang bumaril-patay sa broadcaster na si percy lapid sa las pinas city.
Iniulat ng Southern Police District (SPD) na ang video ay nagmula sa dashboard camera sa loob ng kotse ni lapid.
Makikita umano sa video na may dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo ang tumugaygay sa sasakayan ni Percy lapid mula sa Paranaque city noong lunes ng gabi.
Maririnig din daw sa video footage ang mga putok ng baril hanggang sa bumangga ang unahan ng kotse.
Makikita rin ang pagtakas ng mga salarin at aminado naman ang pulisya na hindi pa nila matukoy ang pagkakakilanlan sa mga pumatay sa broadcaster, natukoy na rin sa isinagawang ballistic examination na ang baril na ginamit ng suspek ay nagmula umano sa caliber .45 pistol.
Sa ngayon magsasagawa ng cross-matching ang mga imbestigador sa iba pang mga shooting incidents upang ikumpara ang ginamit na baril.
Samantala bumisita na rin ang ilang mga imbestigador ng National Bureau of Investigation (NB) sa Loyola Memorial Center upang tumulong din sa imbestigasyon.
Ang Commission on Human Rights ay magsasagawa rin daw ng hiwalay na imbestigasyon.
Samantala ilang mga bansa na rin ang nagpaabot ng pagkondena sa naturang karahasan, kabilang na ang embahada ng amerika sa pilipinas, canada, britanya, the netherlands, at france.
ayon sa French Embassy, sinusuportahan nila at nananatili ang kanilang commitment sa freedom of the press, freedom of speech, at ang pagbibigay ng protection sa mga journalists.