Umapela ang Philippine National Police (PNP) na huwag nang ikalat ang umano’y video ng pinugutang Aleman ng Abu Sayyaf sa probinsya ng Sulu.

Ayon kay PNP Spokesperson SSupt. Dionardo Carlos na sa pamamagitan ng hindi pagpapakalat ng nasabing video sa internet ang isa sa maituturing na paraan ng pagpapakita ng respeto at pakikiramay sa pamilya ng biktimang si Juergen Gustav Kantner.

Sinabi ni Carlos na kaisa rin sila sa nakikiramay sa mga naiwan ni Kantner.

Tumutulong na rin ang PNP sa militar sa Sulu paghahanap sa labi ng biktimang Aleman.

Walang tigil din ang pagtugis ng militar sa mga bandidong grupo na responsable sa pagpugot.