-- Advertisements --
Magpapatupad ng lockdown ang estado ng Victoria sa Australia dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus.
Sinabi ni Victorian State Premier Daniel Andrews na magsisimulang ipapatupad ang lockdowng n 11:59 ng Martes na ito ay magtatagal ng limang araw pero maaaring mapalawig ito kapag hindi pa tuluyang bumaba ang kaso ng COVID-19.
Maging ang border ng Victoria at New South Wales (NSW) na siyang dalawang lugar na may pinakamaraming tao na aabot sa mahigit 6.6 million.
Magpapakalat naman ng mga military personnel at kapulisan sa border at kaunting tao lamang ang papayagang lumabas.
Nitong Linggo kasi nagtala ng panibagong 127 na kaso ang Victoria.
Umaabot na kasi sa 2,663 katao ang nagpositibo sa Victoria na ikinasawi ng 22 katao.