Pormal ng nanumpa bilang undersecretary ng Presidential Communications Office ang broadcaster at dating mambabatas na si Precious Hipolito Castelo.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan ng panunumpa sa harap ni PCO Acting Secretary Dave Gomez.
Nagpahayag ito ng kasabikan dahil sa pagbabalik niya sa pagsisilbi sa publiko.
Isang mahalagang bagong yugto ang posisyon sa kaniyang buhay na magiging inspirasyon sa pamamahagi ng tama at makabuluhang impormasyon para sa lahat.
Bago ang kaniyang appointment ay naging broadcaster siya Radyo Pilipinas.
Naging konsehal siya ng Quezon City mula 2010 hanggang 2019.
Nagsilbi siyang Quezon City 2nd District Representatives mula 2019-2022 at naitalagang bilang assistant majority floor ng House of Representatives noong 2019.
Noong nakaraang taon ay kinasuhan siya dahil sa anomalya sa paghawak nito ng tulong sa mga benepesaryo ng cash-for-work noong COVID-19 pandemic.
















