Kinilala bilang Defensive Player of the Year si San Antonio Spurs bigman Victor Wembanyama.
Si Wemby ang pinakabatang NBA player na nakakuha ng naturang award sa edad na 22.
Ang 7’4″ Spurs center ay nakakuha ng perfect first-place votes (100/100) kasunod ng impresibong performance sa kabuuan ng season kung saan nagawa niyang manguna sa iba’t-ibang kategorya ng defensive plays.
Kabilang dito ang mga sumusunod: 1st place sa blocks, 1st place sa stocks (steals + blocks), at 1st place sa defensive field goal percentage (FG%).
Sa pagtatapos ng season, nagawa niyang magbulsa ng 3.1 blocks per game. Napanatili ng bigman ang naturang average sa loob ng tatlong magkakasunod na taon, at siya ang ikatlong player sa NBA na nakagawa nito.
Maliban sa magandang depensa, hawak din ni Wemby ang impresibong 25.0 points per game, 3.1 assists per game, at overall shooting percentage na 51.2%.
Ito pa lamang ang ikalawang season ng Spurs bigman at nagawa niyang pangunahan ang kaniyang team para makapasok sa Playoffs, hawak ang ikalawang pinakamagandang record sa NBA, 62 – 20 (win-loss record).
Kasalukuyang hinaharap ng Spurs ang Portland Trailblazers sa unang round ng playoffs kung saan hawak ng San Antonio ang bentahe (1-0).
















