-- Advertisements --
victor wembanyama 1

Nabigo si Victor Wembanyama at ang koponan ng San Antonio Spurs na maipanalo ang una nitong laban sa NBA, matapos silang pataubin ng Dallas Mavericks.

Naging mahigpit ang laban ng dalawnag koponan, mula simula hanggang sa pagtatapos ng laban, na nagresulta sa 126 – 119 pabor sa Dallas

Sa unang quarter pa lamang, nagpasok na ang Spurs ng 43 big points habang umabot lamang sa 36 points ang naging ganti ng Dallas.

Hindi naman nawalan ng pag-asa ang Dallas at bumawi laban sa Spurs kung saan nagawa nitong i-domina ang sumunod na tatlong quarter

Sa naging pagkatalo ng Spurs, pitong players nito ang kumamada ng double digit scores sa pangunguna ng 23 points ni Devin Vassell. Nagpakita naman ng all-around plays ang Forward na si Keldon Johnson sa pamamagitan ng 17pts, 9 rebounds, at 7 assists.

Ang No1. overall pick ngayong taon na si Victor Wembanyama ay nagpakita naman ng 15 pt performance, kasama ang 5 rebound at 2 assists. Nilimitahan lamang ni head coach Gregg Popovich sa 23 mins ang paglalaro ng rookie big man.

Sa naging panalo naman ng Dallas, nagpakita ng triple-double performance ang superstar nito na si Luka Doncic sa kanyang 33pts, 13 rebs, at 10 assists.

Nag-ambag din ng 22 points si NBA Champion Kyrie Irving, habang 17 points ang idinagdag ni Dallas Forward Grant Williams.

Sa naging performance ni LukaMagic, nakasama na niya si NBA Finals MVP Nikola Jokic na nakakuha ng triple double sa pagsisimula ng NBA 2023-2024 season.