-- Advertisements --

MANILA – Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si tropical depression “Vicky,” ayon sa pinakabagong sever weather bulletin ng PAGASA.

“Tropical Depression Vicky is now outside the Philippine Area of Responsibility and is heading towards Kalayaan Islands; Vicky left the PAR at 2:00 PM today,” nakasaad sa report ng ahensya.

Huling namataan ang bagyo sa layong 70-kilometers timog-silangan ng Kalayaan Islands. Kumikilos ito patungong kanluran sa 15-kilometers per hour.

Humina naman na ang lakas ng hangin nito sa 55-kilometers per hour, at pagbugsong nasa 70-kilometers per hour.

Sa kabila nito, nagbabala ang state weather bureau sa publiko, lalo na ang mga taga-Northern Luzon ukol sa inaasahan pa ring pagbuhos ng malakas na ulan.

Ayon sa PAGASA, hanggang ngayong gabi ay makakaranas ng katamtaman hanggang malakas na ulan ang Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, at Aurora.

Pati na ang Quezon, Bicol Region, northern portion of Palawan, kabilang na ang Calamian Islands, at Kalayaan Islands.

“Light to moderate with at times heavy rains over Babuyan Islands and the rest of Cordillera Administrative Region.”

Paliwanag ng ahensya, ang ulan na mararanasan ng mga lugar ay epekto ng pagsasama ng “Tail-End of a Frontal System” at bagyo.

Nakataas pa ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Kalayaan Islands.

Bukas naman, makakaranas din ng katamtaman hanggang malakas na ulan ang Babuyan Islands, mainland Cagayan Valley, Aurora, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, at northern portion of Quezon. Habang light to moderate sa Batanes, Kalayaan Islands, at natitirang bahagi ng Cordillera.

Ayon sa PAGASA, maaaring magdulot ng pagbaha at landslide ang ulan, kaya dapat mag-ingat ang mga residente.

“Especially in areas identified to be highly or very highly susceptible to these hazards and in localities that received significant antecedent rainfall over the past couple of days or weeks.”