-- Advertisements --

Tiwala pa si Vice President at Education Secretary Sara Duterte na nasa kamay ng mga taga Negros Oriental ang pagkakaroon ng kapayapaan at pagbabago sa lalawigan sa hinaharap.

Ang pagkamatay pa ni dating Gov. Roel Degamor ay nagsusulong ng pagbabago at kapayapaan sa lalawigan.

Ginawa ng Bise Presidente ang pahayag kasabay ng kanyang pagbisita sa burol ni Degamo kahapon, Marso 14, sa bayan ng Siaton, Negros Oriental at personal na ipinaabot ang pakikiramay sa mga naiwang pamilya.

Sinabi pa ng opisyal na ang mga piniling lider ang siyang magdetermina kung ano ang kinabukasan ng isang lugar.

Binigyang-diin pa nito na kapag tinanggihan ng mga tao ang sangkot sa masasama at ilegal,hindi pa umano maghari ang kaguluhan.

Kaya naman, nagpaabot ito ng mensahe sa mga NegOrenses na pumili ng tamang lider dahil ito rin ang makakatulong na makamit ang kapayapaan, kinabukasan at pagbabago sa lugar.

Ibinahagi rin ni Duterte ang magandang alaala noong nabubuhay pa si Degamo at inihalintulad sa kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na aniya ay may parehong pag-uugali sa pagsilbi ng mga nasasakupan.

Naniniwala naman ang opisyal na ikonokonsiderang pamilya ni Degamo ang lahat maging ang mga kalaban dahil ang mga ito’y taga Negros Oriental.

Samantala, inilipat na ang burol ni Degamo sa loob ng kanilang compound sa Bonawon, Siaton matapos ang pagbisita ni Duterte sa Siaton Gymnasium kung saan unang inihimlay ang gobernador matapos dalhin sa bayan mula sa Kapitolyo.