-- Advertisements --
image 138

Nagpaabot nang pasasalamat si Vice President Sara Duterte sa Seando matapos na makalusot sa pagpasa ang hinihingi na budget ng kanyang tanggapan na umabot sa P2.3-billion para sa taong 2023 kabilang na ang kontrobersyal na P500 million sa confidential funds.
Ayon sa pangalawang pangulo, nagpapakita lamang ito ng pagtitiwala ng mga mambabatas sa tanggapan ng Office of the Vice President (OVP) kaya naman susuklian niya ito ng pagganratiya din niya sa good governance ng kanyang opisina.

Sinabi ni VP Sara ang mabilis na pagpasa sa kanilang budget ay magpapalakas din sa kanilang determinasyon na matiyak na pag-iibayuhin din daw ang pagbibigay ng serbisyo at pagpapaabot ng mga programa sa mga nangangailangan na kumunidad sa bansa.

Sinasabing ang OVP 2023 budget ay umakyat sa 300 percent na mahigit pa kumpara noong 2022 budget na nasa P702 million lamang.
Una nang kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang P500-million confidential funds ng tanggapan ni Vice Presidente Duterte at ang paggaya din ng tangapan nito sa iba pang mga programa ng iba pang mga departamento ng gobyerno.