-- Advertisements --
Naka-quarantine na si Iranian Vice President Masoumeh Ebtekar.
Agad na pinuri ni Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei ang mga medical staff dahil sa trabaho nila sa pag-aalaga sa mga nadadapuan ng virus.
Magugunitang bukod sa vice president ng Iran ay mayroon pang dalawang mambabatas ang nadapuan ng virus.
Maging ang kanilang deputy health minister ay nahawa na rin.
Samantala umaabot na sa 26 katao ang nasawi matapos dapuan ng nasabing deadly virus sa Iran.