Nanawagan si Vice President Sara Duterte para sa pagkakaroon ng epektibong flood control infratructure at disaster management response sa mga komunidad kasunod ng mga insidente ng pagbaha sa lalawigan ng Bulacan bunsod ng pagpapakawala ng tubig mula sa Angat at Ipo dam.
Makakatulong aniya ito para mapawi ang takot at maiwasan ang mga trahedya sa pamamagitan ng maagap na paghahanda at pagsunod sa mga abiso ng mga awtoridad sa panahon ng krisis.
Sa naging talumpati ng Bise-Presidente sa Minasa Festival 2023 sa bayan ng Bustos, Bulacan, nagpaabot din ito ng pakikisimpatiya sa daan-daang pamilya sa Bulacan partikular sa Norzagaray na inilikas nitong weekend matapos makaranas ng malawakang pagbaha dahil sa pagpapakawala ng tubig mula sa mga nasabing dam dulot ng tuluy-tuloy na pag-ulan.
Inihayag din ni Duterte a ang resiliency ng mga lokal na komunidad ay nakadepende sa pagpapalakas ng mga kasalukuyang risk reduction mechanisms, disaster preparedness strategies, at emergency interventions.
Tiniyak naman ni VP Sara na magbibigay ng tulong ang OVP Disaster Operations Center sa mga biktima ng pagbaha sa Bulacan sa pamamagitan ng lokal na pamahalaan ng Bustos.
AV VP Sara Duterte
Samantala, nitong umaga ng lunes, mayroong reservoir water level ang Angat dam na 214.23 meters,bahagyang mas mataas ng 214.04 meters kumpara noong linggo. Mayroon ding 212 meter spilling level o normal high water level ang naturang dam.
Habang sa Ipo dam naman mayroong 100.64 meters na reservoir water level , bumaba mula sa dating 101.21 meters. Mayroon naman itong 101 meter normal high water level.