-- Advertisements --
Pumanaw na ang beteranong Filipino musician na si Abraham “Bing” Austria sa edad na 62.
Kinumpirma ng kaniyang pamilya kung saan ilang taon itong lumaban sa sepsis at nanatili ito ng ilang linggo sa intensive care unit (ICU).
Pinasalamatan ng pamilya ang mga kaibigan na tumulong pinansiyal para sa pagpapagamot ng singer.
Nakasama sa ilang mga kilalang banda si Austria gaya ng Put3Ska at reggae group na Tropical Depression bago naging frontman ng Juan Pablo Dream.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga singers na nakasama ni Austria.















