-- Advertisements --

Nakapagtapos na si Filipina beauty queen Venus Raj ng kaniyang pag-aaral sa ibang bansa.

Sa kaniyang social media account nagpost ito ng larawan habang tinatanggap niya ang certificate mula sa Oxford Center for Christian Apologetics (OCCA) sa Oxford, England, United Kingdom.

Sinabi nito na isang biyaheng nagsusubok sa kaniyang paniniwala at pagdagdag ng kaalaman.

Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ng programa na kaniyang kinuha sa nasabing institusyon.

Nauna rito mayroon na siyang master’s degree in community development sa University of the Philippines noong 2017 at bachelor’s degree in Communication Arts sa Bicol University.

Ang Camarines Sur beauty ay naging 4th runner-up sa Miss Universe 2010.