NAGA CITY – Handang handa na ang gagamiting venue para sa Miss Earth Flora 2019 sa Lungsod ng Naga.

Masasaksihan ang prestihiyosong aktibidad sa Jesse M. Robredo Coliseum sa darating na Oktubre 22 ganap na alas-7:00 ng gabi.

Kasama sa mga ni-renovate ang pasilidad na gagamitin ng mga kandita gaya ng mga dressing rooms.

Ang nasabing venue ay kayang ma-accomodate ang lahat ng kantidata kabilang na ang mahigit sa 10,000 supporters.

Kasama sa mga segment na gagawin sa lungsod ang resorts wear parade, talent competition at evening gown competition.

Inaasahan din ang pagdating ng aktor na si Tony Labrusca para sa kanyang special performance sa araw ng mismong event.