Nicolas Maduro
Nicolas Maduro/ IG post

Pinuri ni Venezuelan President Nicolas Maduro ang kaniyang mga sundalo dahil sa pagiging tapat sa kaniya.

Kasunod ito ng pagkakaisa nila sa kaniya noong ito ay nagtungo sa kanilang army base sa Caracas.

Nanawagan din si Maduro na labanan ang anumang magtatangka ng kudeta sa kaniya.

Nauna rito tinangka ni opposition leader Juan Guaido na maglunsad ng malawakang protesta para mapatalsik si Maduro sa opisina.