Nilinaw ng Malacañang na humingi lamang ng permiso kay Pangulong Rodrigo Duterte si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco para tumakbo bilang speaker ng Kamara.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokespman Harry Roque matapos ang naganap na pulong sa pagitan nina Pangulong Duterte at Rep. Velasco kagabi.
Magugunitang may girian sa pagitan nina Velasco at House Speaker Alan Peter Cayetano dahil sa hindi pa nasusunod na term-sharing agreement.
Sinabi ni Sec. Roque, sinabihan umano ni Pangulong Duterte si Rep. Velasco na karapatan naman nitong tumakbo bilang House Speaker sa Kamara kung kanyang nanaisin lalo na alisunod ito sa una na nilang napagkasunduan ni Speaker Cayetano.
Ayon kay Sec. Roque, ang mambabatas ang humilingin ng pulong na ito kay Pangulong Duterte.
Maliban dito, tumanggi nang magbigay pa ng ibang detalye si Sec. Roque sa naging pulong kagabi.