Nilinaw ni Information and Communications Technology Undersecretary Emmanuel Caintic na hindi maaaring ipalit sa VaxCertPH digital vaccination certificate ang umiiral na “yellow card” na ini-isyu ng Bureau of Quarantine (BoQ) bilang proof ng vaccination kontra sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Caintic, ang yellow card ay kailangan ng mga seafarers bilang patunay na sila ay nabakunahan kontra COVID-19 bago makabiyahe.
Ang World Health Organization (WHO) umano ang nagtatag ng umiiral na yellow card sa 196 mga bansa.
Gayunpaman, para sa COVID-19, higit pang impormasyon ang kinakailangan sa nasabing certificate kaysa sa mga kasalukuyang nakasaad sa yellow card, kaya’t kailangan ng isang bagong dokumento.
Dagdag pa ni Caintic, ang Pilipinas ang pinakaunang adaptos ng digital certification system para sa Covid-19.
Ipinapanawaga naman ni Caintic sa mga mambabatas na gawing libre ang pamimigay ng yellow card lalo pa’t sa kasalukuyan ay may bayad ito na P370.00.