-- Advertisements --

Nawalan ng komunikasyon ang mga air traffic controller sa isang An-24 passenger plane na may sakay na humigit-kumulang 50 katao habang papalapit ito sa bayan ng Tynda sa Amur region, malapit sa border ng China, ayon sa mga opisyal sa Russia.

Ayon sa local emergencies ministry, ang eroplano ay pagmamay-ari ng Angara Airlines, isang airline mula sa Siberia.

Nawalan ito ng contact habang papalapit sa destinasyon nito.

Batay sa paunang ulat ni Amur Governor Vasily Orlov, sakay ng eroplano ang 43 pasahero, kabilang ang 5 bata, at 6 na crew members. Iba naman ang bilang ng sakay na iniulat ng emergencies ministry, na tinatayang nasa 40 katao.

Ani Orlov sa isang post sa Telegram, “All necessary forces and means have been deployed to search for the plane.”

Patuloy ang search and rescue operations sa lugar upang matunton ang nawawalang eroplano.