-- Advertisements --

Sa unang pagkakataon ay naglabas ang Vatican ng larawan ni Pope Francis matapos ang kaniyang operasyon sa tiyan.

Sa nasabing larawan ay makikita ang patuloy na paggaling ng 86-anyos na Santo Papa habang ito ay nakaupo sa wheelchair.

Magugunitang noong Hunyo 7 ay sumailalim sa tatlong oras na operasyon sa kaniyang abdominal hernia ang Santo Papa sa Gemelli hospital sa Roma.

Dahil dito ay kinansela ng Vatican ang mga aktibidad ng Santo Papa ng hanggang Hunyo 18.

Inaasahan naman na sa mga susunod na araw ay makakalabas na sa pagamutan ang Santo Papa.

Sa darating naman na Agosto ay may ilang biyahe ito sa ibang bansa na ang una ay sa Portugal mula Agosto 2 hanggang 6 para sa World Yout Day kung saan bibisita ito sa Shrine of Fatima at susunod ay sa Mongolia mula Agosto 31 hanggang Setyembre 4.