-- Advertisements --

Hindi ikinaila ng mataas na opisyal ng Vatican na nahihirapan silang talakayin ang usapin ng sexual abuse ng mga pari at opisyal ng simbahan.

Ayon kay Andrew Small, secretary ng Pontifical Commission for the Protection of Minors na naging talamak ang sexual abuse sa southern hemisphere.

Sumiklab aniya ang pang-aabuso noong 1980 sa Australia, Chile, France at US.

Una ng tiniyak ni Pope Francis na hindi niya kokonsintihin ang mga pari at opisyal ng simbahan na nasasangkot sa sexual abuse.

Mayroon na ring batas ukol sa nasabing usapin ang nasa 114 obispo.