Makahulugan ang Valentine’s day message ni Vanessa Bryant sa kanyang namatay na asawa at NBA superstar na si Kobe Bryant.

Ito ang unang Araw ng mga Puso ni Vanessa bilang single mom matapos mamatay sa plane crash ang asawa at kanilang anak na si Gianna noong nakaraang buwan.

-- Advertisement --

Sa kanyang Instagram post, inihayag ni Vanessa kung gaano niya ka-miss ang mister sa aniya’y paboritong holiday nito.

Binati rin nya ang anak na kasamang namatay sa plane crash.

Sa April 18 sana ang ika-19 taong anibersaryo ng kasal nina Vanessa at Kobe.

Naulila ang misis ng tinaguriang “Black Mamba” kasama ang kanilang apat pang anak.