kim chiu car 2
Kim Chiu’s van with bullet holes (photo from Kim’s Instagram post)

(Update) Nasa ligtas na umanong kalagayan si Kim Chiu matapos tambangan ang van nito sa kanto ng Katipunan Avenue at C.P. Garcia Avenue sa Quezon City.

Ayon sa kanyang driver, agad ding dumiretso sa taping ang 29-year-old actress kasama ang kanyang assistant.

-- Advertisement --

Sa inisyal na impormasyon, kakalabas lamang ng van ni Kim sa subdivision nito nang biglang barilin ng dalawang hindi pa kilalang suspek na lulan ng motorsiklo.

Ilang oras makalipas ang insidente, naglabas na rin ng statement ang actress sa pamamagitan ng kanyang Instagram post kasama ang ilang larawan ng kanyang van na may tama ng mga bala.

Kabilang sa katanungan ni Kim kung ang pangyayari nga ba ay “mistaken identity,” o kaya “napagtripan lang” o ito ba ay “masamang biro.”

Aniya, wala naman daw siyang kaaway.

Kim chiu van 5

Sa kabila nito, todo ang pasasalamat ng aktres at ligtas sila lalo na at kabilang sa tinamaan sa loob ng kanyang van ay ang lugar kung saan palagi siyang nakapuwesto kung nag-aaral sa kanyang mga scripts.

Narito ang pahayag ni Chiu sa pamamagitan ng kanyang social media account:

“A lot of you have been texting and calling. can’t answer right now. Thank you for checking on me. Means a lot. Yes I am safe po. I’m ok and my P.A. And my driver as well. Papa Jesus protected us. I dont have an idea what really happened, mistaken identity? I guess?? Napag tripan?.. This is a bad joke. 6am on my way to taping, I was asleep inside my car then I heard several gun shots, 8 to be exact. I was shocked and ask my driver what happened, then I saw this bullet on the windshield where my head was laying “buti nakahiga ako.” Pano kung tinuloy ko magbasa ng script?… I was so scared, I dont know what to feel right now. Wala naman akong kaaway or ka atraso. Why me?. Kung sino man ang gumawa nito Diyos na ang bahala sa inyo dalawa. Sana tininignan nyo muna ang plate number bago nyo paulanan ng bala yung kotse ko but at the end of the day inisip ko nalang walang nasaktan sa amin. God protected us. Salamat po.”

Kim chiu car 1
Kim Chiu’s van with bullet holes (photo from Kim’s Instagram post)
Kim chiu van 3
Kim Chiu’s van with bullet holes (photo from Kim’s Instagram post)
Kim chiu van 4
Kim Chiu’s van with bullet holes (photo from Kim’s Instagram post)