-- Advertisements --

Maaaring makalito sa mga botante at makapagpa-isip sa kanila na ang pagbabakuna ay kinakailangan para makaboto ang paglalagay ng mga site ng pagbabakuna sa COVID-19 sa mga presinto ng botohan sa araw ng halalan.

Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia nitong Miyerkules matapos pag-isipan ng Department of Health (DOH) ang paglalagay ng vaccination sites malapit sa mga polling precinct.

Dagdag pa niya na dapat unahin ang pagboto dahil ito ay constitutional right ng mga tao.

Noong Mayo 1, mayroong 67.9 milyong indibidwal sa bansa ang ganap na nabakunahan laban sa COVID-19.