-- Advertisements --

Mahihirapan pa umanong makamit ng Pilipinas ang “herd immunity” sa COVID-19 hanggang sa sumapit ang taong 2033.

Ito ang naging babala ni Sen. Panfilo Lacson dahil sa bagal ng vaccination program ng gobyerno kontra sa nakamamatay na sakit.

May mga sumbong kasi, kagaya sa Iloilo, na hindi agad inilalabas ang mga bakuna mula sa cold storage facility.

Ayon kay Lacson, dapat mag-doble kayod ang pamahalaan para mabakunahan ang mga nasa priority list.

Sa ngayon kasi ay lalong lumobo sa mahigit 4,000 ang mga bagong kaso, kahit nasimulan na ang rollout ng bakuna.

-- Advertisement --

Batay sa record ng Department of Health (DOH), aabot pa lamang sa mahigit 114, o nasa mahigit 11% pa lang ang natuturukan ng COVID-19 vaccines mula nang magsimula ang programa noong unang bahagi ng Marso.