-- Advertisements --
Tinukoy na ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang ilang ahensya na posibleng unahin nilang imbestigahan dahil sa isyu ng korapsyon.
Ayon kay Guevarra, bagama’t marami na silang natanggap na sumbong, mas uunahin pa rin ang mga isyung may available nang ebidensya.
Kabilang na rito ang PhilHealth, Department of Public Works and Highways (DPWH), Bureau of Immigration (BI), Bureau of Corrections (BuCor).
Maging ang procurement sa militar at pulisya ay kanila ring sisilipin.
Inamin naman ni Guevarra na malaking tulong sa kanilang imbestigasyon ang kopya ng statement of assets, liablities and networth (SALN) at lifestyle check sa mga opisyal ng pamahalaan.