Tiwala si Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) president Dr. Jose Rene De Grano na tutupad ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa pangakong magbabayad na sa kanilang pagkakautang sa mga pribadong ospital.
Reimbursement ito para sa mga pasyenteng PhilHealth members na nagkasakit ng COVID-19.
Ayon kay Grano, naka-usap na nila ang pamunuan ng PhilHealth at sinabing pupunan na ngayong buwan ang unpaid claims.
Nangako rin ang pamunuan ng PHAPI na ibibigay nila ang lahat ng kinakailangang supporting documents para sa tinatayang bilyong halaga ng pagkakautang.
Mensahe ni Grano, baka magsara na lang ang ibang pagamutan kung hindi pa rin mababayaran.
Kung magkagayon, malaking problema naman ang kakaharapin ng mga pasyenteng umaasa sa mga ospital ng PHAPI, lalo’t hindi naman kayang ma-accomodate ng mga pampublikong pagamutan ang lahat ng COVID-19 patients.










