Pumalo sa P126.086 billion ang utang ng pamahalaan noong Mayo.
Tumaas ito ng 111.75 percent mula sa P57.969 billion na naitala sa kaparehas na buwan noong nakaraang taon.
Batay sa datos mula sa Bureau of Treasury (BTr) ang utang ng gobyerno mula sa domestic sources ay nagkakahalaga ng P55.908 billion, habang ang external borrowings naman ay umabot sa P75.178 billion noong Mayo.
Ang gross domestic borrowings para sa natuang buwan ay bumaba naman ng 8.2 percent mula sa P55.435 billion na naitala noong nakaraang taon, habang ang gross external borrowings ay lumawak ng 2,866.8 percent mula sa P2.534 billion noong 2018.
Malaking bahagi ng fixed-rate Treasury bonds na utang ay mula sa domestic gross borrowings na nagkakahalaga ng P40 billion habang ang Treasurry bills naman ay P10.908 billion.
Para naman sa external gross borrowings, ang global bonds ang pinakamalaking share na aabot sa P62.834 billions, ang project loans ay nagkakahalaga ng P6.336 billion, at ang program loans naman ay aabot sa P6.008 billion.