-- Advertisements --
image 83

Iniulat ng Department of Finance (DOF) na bumubuti ang utang at fiscal indicators ng bansa sa ikatlong quarter ng 2023 bunsod ng masiglang economic performance.

Ayon sa DOF, bumaba sa 60.2% ang debt-to-gross domestic product (GDP) ratio ng pamahalaan noong Setyembre ng kasalukuyang taon.

Ito ay malapit sa 60% na threshold para sa debt-to GDP na ikinokonsiderang manageable para sa developing economies ng multilateral lenders.

Kung ikukumpara sa nakalipas na quarter na nakapagtala ng 61% ratio at sa parehong period noong nakaraang taon na pumalo sa 63.6%, ang debt to GDP ratio sa pagtatapos ng Setyembre 2023 ay nagpapakita ng significant improvement.

Ang pagbaba aniya ng debt to GDP ration ay nagpapakita rin na ang paglago ng ekonomiya ay mas angat kumpara sa nautang ng gobyerno na isang positibong indikasyon ng kabuuang financial well-being ng ating bansa.