-- Advertisements --

Pinag-aaralan pa sa ngayon ng Department of Environment and Natural Resources ang usapin sa paggigiba sa itinayong resort sa paanan ng Chocolate Hills sa Bohol.

Ito ay sa kadahilanang ang naturang istraktura ay itinayo sa isang private property.

Paliwanag ni DENR USec. Juan Miguel Cuna, ang hindi pinapayagan sa batas ay ang kanilang pag o-operate ng walang kaukulang environmental compliance certificate mula sa ahensya.

Pero ang pagpapatayo aniya ng proponent ng structures sa lugar na isang private property gamit ang sariling pera ay kinakailangan pa nilang pag-aralan dahil dito ay may titulo na.

Samantala, bukod dito ay susuriin din ng DENR ang iba pang mga establisyemento na nakatayo sa Chocolate Hills upang alamin kung mayroon itong ginagawang mga paglabag sa batas.

Kaugnay nito ay binigyang-diin din ng ahensya na ilalapat nitong pantay-pantay sa lahat ng iba pang mga establisyemento sa lugar ang implementasyon ng mga patakaran, batas, tuntunin, at regulasyon ng establisyemento na kanilang ipinatutupad.

Kung maaalala, sunod-sunod din nag-viral ang mga larawan ng iba pang mga istraktura sa Chocolate Hills matapos na pumutok ang issue ng Captain’s Peak Resort na nag-ooperate sa kabila ng kawalan nito ng kaukulang mga dokumento.