Inilunsad ng he United States Agency for International Development or USAID ang 5-year program na magsasanay sa 30,000 na maliit na negosyante ng bansa.
Pinangunahan ni US Ambassador to the Philippines Ambassador MaryKay Carlson ang paglulunsad ng programa na “Strengthening Private Enterprise for the Digital Economy”.
Ang nasabing programa ay nagkakahalaga ng $18 milyon kung saan katuwang nila ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Finance (DOF) , the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Anti-Red-Tape Authority (ARTA).
Ayon kay Carlson na layon nito na makasabay ang mga small at medium na negosyante sa lumalagong digital marketing sa bansa .
Pinuri naman ni DTI Secretary Alfredo Pascual ang nasabing programa dahil sa mahalaga ito lalo na sa nauuso ngayon ang mga digital payments.
Inaasahan din ng kalihim na madadagdagan pa ng USAID ang mga mabebenepisyuhan na mga maliliit na negosyante.










