Kinumpirma ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na naaprubahan na ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang hiling nito na freeze order sa mga yaman ni dating House Speaker Martin Romualdez.
Sinabi nito na nadala na ng AMLC ang freeze order sa Court of Appeals.
Una ng sinabi ng AMLC na naglabas na sila ng freeze order sa isang mambabatas dahil sa koneksyon nito sa anomalya sa flood control projects.
Sakop ng freeze order ang 25 bank accounts ng mambabatas, 10 insurance policies na nakarehistro sa pangalan nito, 27 bank accounts, 10 insurance policies at investment account sa ilalim ng pangalan ng mambabatas.
Kasama rin ang dalawang bank accounts, pitong property accounts at real estate property na nakarehistro sa ilalim ng corporate entity.
Dagdag pa ni Remulla na mayroon ng anim na kaso na may kinalaman sa flood control scandal ang ihahain sa susunod na linggo.
















