Nakisama na rin ang USA Swimming sa mga nananawagan na ipagpaliban na lamang ang Tokyo Olympics ngayong taon hanggang sa susunod taon.

sumulat si Tim Hinchey III, ang CEO ng USA Swimming sa kanilang US Olympic & Paralympic Committee para magkaroon na ng responsableng desisyon na i-postpone ang biggest sporting event sa buong mundo.

Sa Amerika ay hindi rin makapagpraktis ang mga atleta dahil ang multiple Olympic training centers ay pansamantalang mga nagsara.

Una rito maging ang Japanese Olympic Committee board member na si Kaori Yamaguchi ay nakiusap sa mga organizers sa kanilang bansa na ipagpaliban na ang Olimpiyada bunsod na mismong mga atleta nila ay hindi rin makalabas ng bahay dahil sa pangamba sa paglaganap ng COVID-19.