Muli na namang nalagasan ng isa pang player ang US basketball team matapos na mabigong makasama patungong Tokyo Olympics ang Chicago Bulls player na si Zach Lavine.
Sa statement ng USA Basketball kanina, sinasabing naiwan sa Amerika ang All-Star guard dahil sa isyu sa health and safety protocols.
Hindi naman nabanggit kung ito ay kinapitan ng COVID-19.
Kung maalala una na ring naitsapuwera sa team si Bradley Beal ng Wizards dahil din sa health protocols habang si Jerami Grant ng Detroit Pistons ay nasa ika-apat na araw na ring nasa isolation matapos matukoy sa contact tracing.
Sa unang dalawang exhibition games ikatlo si Lavine sa bumandera ang performance kasunod nina Damian Lillard at Kevin Durant.
Umaasa naman ang USA team na makahabol pa rin si Lavine sa Tokyo Olympics sa unang game sa July 25 laban sa France upang mapalakas pa ang pagdepensa nila sa korona.
Sa ngayon inaantay din ng Team USA na makahabol sina Khris Middleton, Jrue Holiday at Devin Booker na naglalaro pa sa NBA Finals.