-- Advertisements --
image 204

Inanunsyo ng US Navy na isang barkong pandigma ng US ang naglayag sa karagatang naghihiwalay sa Taiwan at mainland ng China.

Ito’y ilang araw pagkatapos magsagawa ang Beijing ng war games o military drills sa palibot ng sariling pinamumunuan na isla.

Sa pangunguna ng Estados Unidos, maraming Western navies ang regular na nagsasagawa ng “freedom of navigation operations” sa bahagi ng karagatan.

Layunin ng operasyon na igiit ang international na katayuan ng mga regional waterways gaya ng Taiwan Strait at West Ph Sea.

Ang USS Milius guided-missile destroyer ay nagsagawa ng regular na Taiwan Strait transit noong Abril 16 sa mga karagatan kung saan ang mga high-seas freedom of navigation at overflight ay nalalapat alinsunod sa international law.