-- Advertisements --

Kumpyansa umano si US President Donald Trump na handa ang Estados Unidos kung sakali man na kumalat na rin sa kanilang bansa ang coronavirus infectious disease (COVID-19).

Sa kabila ito ng mabilis na pagtaas ng kaso ng mga dinadapuan at namamatay dahil sa nasabing sakit sa labas ng Asya na nagdulot ng matinding pressure sa mga opisyal ng Amerika upang paghandaan ito ng mabuti.

“We’re doing really well, and Mike is going to be in charge,” saad ni Trump.

Itinalaga rin ng American president si Vice President Mike Pence bilang coronavirus czar na siyang mamumuno sa pagdedesiyon ng paraan kung paano paghahandaan ng Amerika ang outbreak.

“We’re ready to adapt and ready to do whatever we have to as the disease spreads, if it spreads,” dagdag pa ng presidente.

Ayon sa US Centers for Disease Control and Preventio, mayroon nang 60 kumpirmadong kaso ng coronavirus sa US kung saan 42 rito ay pasahero ng Diamond Princess cruise ship habang 3 naman ang inilikas mula China.

Sinabi pa ni Trump na kasalukuyan itong nakikipagtulungan sa US Congress hinggil sa hinihingi nitong $2.5 billion funds bilang isa sa kanilang hakbang para paghandaan ang coronavirus.