-- Advertisements --

Namumukod-tangi si United States Vice President Mike Pence na hindi nakasuot ng face mask sa kabila ng polisiyang ipinatutupad sa binisita nitong medical center na palaging magsuot ng personal protective equipment.

Ayon sa bise-presidente ng Mayo Clinic sa Minnesota, bago pa raw ang pagbisita ni Pence sa kanilang ospital ay pinaalalahanan na nila ito na magsuot ng face mask.

Si Pence ang nangangasiwa sa itinatag na coronavirus taskforce ng Whitehouse.

Depensa nito na hindi siya nagsuot ng face mask para raw maayos na makipag-usap at makilala ang mga staff at pasyente sa naturang ospital.

Kung matatandaan, nag-abiso ang US government na palaging magsuot ng face mask lalo na kung lalabas ng kanilang mga bahay.

Kasama ni Pence sa nasabing pagbisita si Dr. Stephen Hahn, commissioner ng US Food and Drug Administration.