-- Advertisements --

Tinulungan ng US ang mga mamamayan ng Iran matapos na putulin ng kanilang gobyerno ang internet connection dahil sa malawakang kilos protesta.

Sinabi ni US Secretary of State Antony Blinken, papayagan nila ang mga technology firm na magkaroon ng internet ang mga mamamayan para makapag-access ang mga ito ng impormasyon sa online.

Malinaw aniya na takot ang gobyerno ng Iran sa kanilang mga tao kung saan pinutol nila ang internet para hindi makita ng buong mundo ang ginagawang pananakit ng mga otoridad sa mga tao.

Nagbunsod ang malawakang kilos protesta ng masawi ang 22-anyos na si Mahsa Amini habang ito ay nasa kustodiya ng kapulisan.

Inaresto si Amini dahil sa hindi angkop ang kaniyang kasuotan.