-- Advertisements --
hong kong teargas protests

Todo tanggi ang US State Department sa alegasyon ng pamahalaan ng China na ang Amerika ang nasa likod ng kaguluhan sa Hong Kong.

Una nang inakusahan ni Foreign Ministry spokeswoman Hua Chunying na may kamay ang Estados Unidos sa serye ng malawakang kilos protesta sa Hong Kong kung saan sa ilang beses ay nauwi sa karahasan.

“As you all know, they are somehow the work of the US,” ani Chunying sa ginanap na press conference sa Beijing.

Batay sa ilang mga larawan ng demonstrasyon ay nakita raw kasi ang ilang mga nagpoprotesta na may bitbit na bandila ng Amerika.

Nagbanta naman ang China na hindi nila papayagan na makisawsaw ang foreign forces sa kalakarang panloob ng semi-autonomous city.

Pero giit naman ng spokesperson ng US State Department hindi raw papayag ang milyong katao tulad sa Hong kong na manipulahin ng foreign forces.

“We categorically reject the charge of foreign forces as being behind the protests,” bahagi pa ng statement ng US State Department.