-- Advertisements --

Kinumpirma ni US National Security Adviser Jake Sullivan na nananatiling bukas ang komunikasyon nila sa Russia.

Sinabi nito na hindi nagbabago ang interest ng US na magkaroon sila ng pag-uusap sa Russia.

Pero pagtitiyak nito na nagiging maingat sila at hindi basta-basta nakikipagsapalaran sa mga kakausapin sa Russia para hindi na lumala pa ang giyera nila sa Ukraine.

Nauna ng lumabas ang ulat na nakipagpulong na ito noong nakaraang mga buwan kina Russian Security Council secretary Nikolai Patrushev at senior Kremlin foreign policy aide Yuri Ushakov at tinalakay umano ang pagkakaroon ng usapan para hindi na lumala ang problema sa Ukraine at maiwasan ang paggamit ng armas nuclear.