-- Advertisements --

Target ng Amerika na magkasa ng ikalawang round ng negosasyon sa Iran bago magpaso ang ceasefire sa Abril 21.

Base sa isang source na pamilyar sa usapin, nagsasagawa ng internal discussion ang mga opisyal ng Trump administration para sa potensiyal na ikalawang in-person meeting kasama ang Iranian officials.

Nananatili ring bukas si US President Donald Trump na ipagpatuloy ang in-person negotiations sa lalong madaling panahon, sa oras na handa na ang Iran na sumunod sa kaniyang demands.

Sa ngayon, tinitignan pa ng mga opisyal ang posibleng petsa at lokasyon sakaling umusad ang nagpapatuloy na pag-uusap ng Iran at mediators sa rehiyon sa susunod na mga araw.

Subalit, hindi pa malinaw sa ngayon kung tatalima ang Iran sa mga kondisyon ni Trump sa lalong madaling panahon dahil sa naunang mga pagtutol ng Iran sa ilang mga demands ng Amerika gayundin ang pagsisimula ng blockade ng US military sa Iranian ports nitong umaga ng Lunes (eastern time).