-- Advertisements --
US amy barret

Umiwas si US Supreme Court nominee Amy Coney Barrett na sagutin ang mga katanungan tungkol sa pananaw nito sa mga pangunahing usapin.

Sa ikalawang araw ng Senate confirmation hearing, hindi na nagbigay pa ng anumang pananaw ang conservative judge tungkol sa mga usapin ng abortion, healthcare at LGBTQ rights.

Sinabi nito na wala itong anumang pakay o agenda at nakatutok lamang ito sa isinasaad ng batas.

Kapag pumasa si Judge Barrett sa committee hearing ay magbobotohan ang senado para kumpirmahan o hindi italaga sa posisyon.

Isinusulong kasi ng mga Republican Senators na makumpirma na si Barrett sa kaniyang posisyon bago ang November 3 Presidential election para mabigyan ng nine-member court ng 6-3 conservative majority.

Ikinakabahala naman ng Democrats ang pag-upo ni Barrett dahil mapapaburan daw ang Republicans sa mga kasong nakahain sa korte laban sa kanila.

Magugunitang itinalaga ni Trump si Barrett bilang kapalit ng pumanaw na si liberal Justice Ruth Bader Ginsburg noong nakaraang buwan sa edad 87.

Sa nasabing hearing lubos na ikinatuwa ni Senate Judiciary Committee Chairman Lindsay Graham na isang Republican na naging tama ang pagpili ni US President Donald Trump kay Barrett.