-- Advertisements --

Inanunsiyo ni US House Speaker Nancy Pelosi na hindi na ito muling tatakbo sa pagiging lider ng kongreso.

Sa kaniyang talumpati sa harap ng kapwa mambabatas, sinabi nito na pipiliin na lamang niyang maging isang kongresista.

Ipapaubaya na lamang niya ang speakership sa mga makabagong henerasyon ng kapwa Democrats nito.

Naging lider kasi si Pelosi ng mahigit dalawang dekada sa US House of Representative.

Ipapatuloy din niyang maging boses ng San Francisco bilang kanilang congresswoman.

Siya lamang tanging babae na nagsilibng Speaker sa US.

Isinagawa nito ang anunsiyo matapos na matalo ang Democrats sa majority sa lower chamber sa katatapos na midterm elections.