-- Advertisements --

Nagkasundo ang security advisers ng US, South Korea, at Japan tungkol sa gagawing hakbang upang tugunan ang naging banta ng North Korea na maglalabas ito ng mas maraming spy satellites.

Nagkita-kita ang security advisers ng tatlong bansa sa Seoul, South Korea nitong Sabado.

Ayon kay White House National Security Adviser Jake Sullivan, kanilang tinalakay sa pulong ang banta ng Pyongyang sa cyberspace at cryptocurrency abuses.

Nabanggit din sa pulong ang mga isyu sa Ukraine at Middle East.

Dagdag pa ni Sullivan, muling pinag-usapan ng tatlong bansa ang napagkasunduan nila nuon sa Camp David Trilateral Summit kung saan mas pinagtibay pa ng tatlong bansa ang alyansa sa seguridad at ekonomiya.

Ang summit ay naganap noong Agosto sa pangunguna ni US President Joe Biden kasama sina South Korean President Yoon Suk-yeol at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.