-- Advertisements --

Kinansela ng British artist na si Morrissey ang kaniyang dalawang shows sa US.

Ito ay matapos na makatanggap ng banta sa kaniyang buhay ilang araw bago ang konsyerto sa Ottawa, Canada.

Nakalaya matapos magpiyansa ang 26-anyos na lalaki mula sa Ottawa matapos na sambitin nitong kaniyang papatayin ang singer na si Steven Morrissey.

Sinabi ng singer na bilang pag-iingat ay kaniyang kakanselahin na ang mga shows sa Massachusetts at Connecticut.

Si Morrissey ay dating front man ng rock band na The Smiths subalit umalis siya sa banda noong 1987 at pinursige ang pagigign solo singer.