-- Advertisements --
Kinansela ng beteranang singer Lani Misalucha ang kaniyang show sa California dahil dinapuan siya ng sakit.
Paglilinaw ng singer na hindi ito COVID-19.
Sa kaniyang social media, sinabi ng Asia’s Nightingale na nagkaroon ng hindi maganda ang pakiramdam kaya nagdesisyon siyang kanselahin ang “Yesterday Once More” show na magaganap sa Sept. 18.
Humingi ito ng paumanhin sa mga fans na nakabili na ng tickets at mga dumalo pa para manood ng kaniyang show.
Payo pa sa mga fans na itago muna ang kanilang tickets para magamit sa kapag natuloy na ang nasabing show.
Pagtitiyak nito sa mga fans na itutuloy ang nasabing show kapag tuluyan ng gumaling ito.