-- Advertisements --
Bumisita sa Canada si US Secretary of State Antony Blinken.
Ito ang unang pagkakataon na pagbisita ni Blinken sa nasabing bansa mula ng maitalaga sa puwesto.
Layon ng kaniyang pagbisita nito sa nabanggit na bansa ay para mapalakas ang kooperasyon sa regional at international na issues.
Kabilang na tatalakayin nito sa pagtungo doon ay ang humanitarian krisis sa Haiti.
Makikipagpulong ito kay Canadian Secretary of State Melanie Joly at Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa pagtungo niya sa Ottawa at Montreal.