-- Advertisements --

Hinikayat ni US Secretary of State Antony Blinken ang China na buksan ang linya ng komunikasyon.

May kaugnayan ito sa naganap na paglapit ng fighter jet ng China habang nagsasagawa ang US surveillance jet sa West Philippine Sea.

Paglilinaw ni Blinken na nasa international airspace ang sila at ito ay isang uri ng routinary mission kaya wala silang nakikitang paglabag.

Una ng tumanggi si Chinese Defense Minister Li Shanghfu na makipag-usap kay US Defense Secretary Lloyd Austin noong sila ay dumalo sa isang event sa Singapore.

Iginiit ni Blinken na mahalaga talaga ang pagkakaroon ng komunikasyon para hindi na maulit pa ang anumang negatibong sagupaan ng dalawang bansa.